Ang Tagalog na bersyon ng website ng Information Services Department (ISD) ay naglalaman lamang ng piling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maa-access mo ang buong nilalaman ng aming website sa English, Traditional Chinese o Simplified Chinese. Ang mga hakbang sa pag-promote ng racial equality na iginuhit ng ISD, at ang mga istatistika sa interpretasyon at serbisyo sa pagsasalin ng wika ay nakaayos dito.
Maligayang pagdating sa website ng Information Services Department. Kami ang ahensya ng pampublikong relasyon at advertising, publisher at organisasyon ng balita, tagapayo sa media at research yunit ng gobyerno. Responsable din kami para sa mga serbisyo ng disenyo at display ng gobyerno, pati na rin sa pelikula at litrato.
Nagpapakalat kami ng mga balita at impormasyon sa pamamagitan ng maraming uri ng mga channel, kabilang ang print at electronic media, Internet at social media, pati na rin ang mga press conference at briefing. Ang lahat ng mga pangunahing talumpati, press release, litrato at video clip ay ibinibigay sa media, at sa publiko, sa pamamagitan ng website ng departamento, na nagpapanatili din ng media archive. Bilang karagdagan, ang mga pangunahing press conference ng gobyerno at mahahalagang kaganapan ay ibino-broadcast nang live sa website ng departamento, na may video archive na naka-upload sa website sa parehong araw ng broadcast.
Ang aming misyon ay pahusayin ang pampublikong pang-unawa sa mga patakaran, desisyon at aktibidad ng gobyerno. Nakikipagtulungan sa mga tanggapan ng gobyerno sa labas ng Hong Kong, sinusuportahan namin ang pagbisita ng matataas na opisyal upang i-promote ang Hong Kong sa Mainland China at sa buong mundo. Sinusuportahan din namin ang gawaing pangkomunikasyon ng gobyerno sa paglalahad ng mahusay na mga kuwento sa China at paglalahad ng mahusay na mga kuwento sa Hong Kong.
Ang mga pangunahing function ng ISD ay nakalista sa ibaba.
Ahensiya ng Balita
Mga press release at live na webcast: ipaalam sa media at publiko ang mga patakaran, plano, desisyon, aktibidad at serbisyo ng gobyerno, at mga pangunahing anunsyo ng gobyerno.
24/7 newsroom operation: ihatid ang mga pangangailangan ng impormasyon ng media.
Pang-emergency na komunikasyon: i-activate ang communications hub sa panahon ng bagyo, malakihang mga kaganapan o mga pangunahing emergency para sa mga update.
Online na balita: news.gov.hk* at ang mga social media platform nito ay nagbibigay ng komprehensibong account ng mga pangunahing balita, patakaran, isyu at insight ng gobyerno.
Pagsubaybay sa balita: tulungan ang mga pinuno ng gobyerno, kawanihan ng patakaran at mga departamento na mas maunawaan ang damdamin ng publiko at media sa mga isyu ng araw.
Tagapayo sa Relasyon sa Publikpo
Media at publisidad: payuhan ang mga kawanihan ng gobyerno at mga departamento sa media at relasyon sa publiko, pati na rin ang mga pangunahing kampanya sa publisidad.
Mga Anunsyo sa Pampublikong Interes (API): makipagtulungan sa kawanihan at mga departamento upang makagawa ng mga API sa telebisyon at radyo sa mga pampublikong isyu.
Marketer & Promoter
I-brand ang Hong Kong: i-promote ang Hong Kong bilang pandaigdigang lungsod ng Asia.
Promosyon ng event: suportahan ang mga lokal at internasyonal na event upang itaas ang profile ng Hong Kong sa buong mundo.
Print at digital marketing: bumuo ng mga content para sa iba't ibang mga pang-promosyon na platform kabilang ang print, online at social media, upang mapahusay ang epekto sa publisidad.
Mga programa ng bisita: mag-imbita ng mga pandaigdigang maimpluwensyang mga tao at mamamahayag sa Hong Kong.
Publisher
Mag-publish ng mga mabibiling publikasyon ng Gobyerno kabilang ang Hong Kong Yearbook, atbp.
Photo Library: i-manage ang makasaysayang at mga event na litrato sa Hong Kong, na mabibili sa pamamagitan ng Online Photo Sales System*, o nang personal sa Photo Library, Room 626, 6/F North Point Government Offices, 333 Java Road, North Point.
Government Bookstore: magbenta ng mga publikasyon ng Gobyerno sa Online Government Bookstore*, o nang personal sa sales counter ng Publications Sales Unit sa Room 626, 6/F, 333 Java Road, North Point Government Offices, North Point.
* Available lang ang mga content sa English, Traditional Chinese at Simplified Chinese.